Ang blog na ito ay naglalaman ng mga tagalog na sanaysay na may uri na pormal o di-pormal. Mangyaring makipag-ugnayan sa sumulat sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe kung nais ninyong gamitin ang mga sanaysay sa Filipino. Maraming salamat.

Tagalog na Sanaysay Para sa mga Guro

Halimbawa ng Sanaysay Tungkol sa mga Guro

Kayo ang Dahilan
ni: J

Binabati ko kayo. Kayong mga nilalalang na nagpakahirap upang maabot ang mga pangarap.

--- Mga pangarap na unti-unting aabutin at susungkitin sa pagdaan ng panahon.

Binabati ko kayo. Kayong mga nagpatulo ng pawis upang makita ang liwanag sa gitna ng dilim.

--- Mga liwanag na maaaring mabasag sa katanghalian ng buhay.

Binabati ko kayo. Kayong mga nagsakripisyo sa araw at gabi para sa kinabukasan ng bansa.

--- Mga kinabukasang iuukit sa mga pahina ng aklat ng buhay.

Binabati ko kayo. Kayong mga nagpalakas upang maitayo ang mga tulay na daraanan sa bagong kabanata.

Binabati ko kayo. Kayong mga nag-ukol ng panahon sa mga asignatura upang mailaman sa nakukultang utak.

--- Mga utak na nasasakop ng alinlangan at panghihina sa mga dagok at pagsubok ng apoy.

Binabati ko kayo. Kayong mga nagbinhi ng mga mabubuting pananim upang baunin sa paglalakbay sa balintunang mundo.

--- Mga paglalakbay na hindi mawawari hangga’t hindi natatalunton.

Binabati ko kayo! Kayong mga GURO ng mga mag-aaral. Sa inyo dapat iukol ang pasasalamat at pagdakila! Sapagkat hindi namin maaabot ang mga pangarap kung hindi ninyo kami pinasan upang tumaas. Kayong mga guro ang siya naming ginawang hagdan upang makita ang tagumpay…

Kayong mga guro na nagtitinda ng tocino at longganisa, , mani at kendi, bra at panty, sapatos at tsinelas, bukayo at panutsa, RTW at leche flan, ipit sa buhok at hanger, Avon at Saralee, daing na bangus at danggit para maipandagdag sa kakarampot na suweldong hindi maitaas-taas at binabawasan pa ng mga kurakot na lider ng bansa.

0 comments:

Post a Comment

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP