Ang blog na ito ay naglalaman ng mga tagalog na sanaysay na may uri na pormal o di-pormal. Mangyaring makipag-ugnayan sa sumulat sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe kung nais ninyong gamitin ang mga sanaysay sa Filipino. Maraming salamat.

Tagalog Essay - Recycle

Sanaysay Tungkol sa Recycle

Mabuti ang Pagre-recycle
ni: Bernadette Biko

Ang basurang itatapon mo ay maaaring maging kayamanan at pakinabangan ng iba. Maraming tao ang nagsasayang ng pagkain - bumibili o kumukuha nang hindi naman kayang ubusin. Ang iba naman ay nagsasayang ng mga damit at laging bumibili ng bago kahit hindi naman masyadong kailangan. 

Samantalang maraming tao sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagugutom at walang damit sa katawan, maraming tao rin ang iresponsableng nagtatapon at nagsasayang na sana’y magiging sapat na para sa kanilang kapwa tao. Para sa akin, ang pagsasayang ay isang malaking kasalanan. Hindi ito makatarungan at isa lamang baluktot na pag-uugali. Hindi ito ang kailangan ng ating mundo upang maging maayos ang lahat. Sanaysay sa Filipino.

Ang pagbibigay sa iba ay hindi lamang katungkulan ng mga mayayaman. Ang mga ordinaryong mamamayan na katulad natin ay may ganito ring responsibilidad sa kanyang kapwa tao. Ang tanong: Paano natin maisasakatuparan ang ganitong pagtulong kasabay ng ating hangarin ng pagre-recycle? Ako’y magbabahagi ng mga tips kung paano natin magagawang tumulong kahit na maliit na bagay sa ating kapwa tao.

Una, kung magbibigay ng mga damit, maging ito man ay bago o luma, siguraduhing ang mga ito ay malinis at nasa magandang kalagayan. Alalahanin na ang mga bibigyan ay tao rin na may dignidad kaya kailangang bigyan ng respeto at pagmamalasakit. Kailangang maipadama natin na tayo ay tumutulong sa kanila ng taos sa puso. Huwag nating ipadama na sila’y tumatanggap lamang ng limos galling sa atin. Sanaysay sa Filipino.

Pangalawa, pumili ng karapat-dapat na tutulungan. Maraming institusyon sa ating bansa ang nangangasiwa sa mga ganitong kawanggawa at maraming ahensiya ng pamahalaan ang nangangalaga sa mga taong kapus-palad. Laging isaisip na ang pagbibigay ng mga lumang damit na hindi mo na gagagamitin ay isang uri rin ng paraan na mai-recycle ang mga materials na ganito. Hindi na ito magiging dagdag pa sa mga basurang kailangang itapon at magagamit ng iba upang maging kapaki-pakinabang na bagay. Nakatulong ka na sa kalikasan, nakatulong ka pa sa mga mahihirap na kababayan.

Pangatlo, ibalot ng maayos ang mga ido-donate at gawing presentable ang mga ito kapag dadalhin na sa taong pagbibigyan. Sabihin na ang mga damit na ito ay bigay lamang upang mapakinabangan nila. Laging isaisip na ang mga gamit na iyo sanang itatapon at itinuturing na basura ay laging maaaring i-recycle upang mapakinabangan ng ibang tao. Maiiwasan natin na dumami ang mga basura sa ating kapaligiran kung lagi nating isasaisip ang reuse, reduce at recycle na panuntunan sa buhay.

Sanaysay sa Filipino 2012

Mabuti ang Pagre-recycle – Bernadette Biko

May Iba pang Sanaysay

• Pagbabago sa Iyong Buhay – Sanaysay Tungkol sa Pagbabago

0 comments:

Post a Comment

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP