Ang blog na ito ay naglalaman ng mga tagalog na sanaysay na may uri na pormal o di-pormal. Mangyaring makipag-ugnayan sa sumulat sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe kung nais ninyong gamitin ang mga sanaysay sa Filipino. Maraming salamat.

Sanaysay Tungkol sa Pagbabago

Tagalog na Sanaysay Tungkol sa Pagbabago

Pagbabago sa Iyong Buhay
ni: Bernadette Biko

Maraming dahilan ang makapagtutulak sa iyo sa isang konklusyon na, “kailangan kong baguhin ang aking buhay”. Ang isa sa mga dahilan na magtutulak sa atin na magbago ay ang ating trabaho. Kadalasan, nararamdaman natin na tayo ay nahihirapan sa ating mga gawain at trabaho. Nararamdaman din natin na tayo ay nagtatrabaho ng sobra kaysa sa ating dapat na gawin. Isa ring halimbawa ng maaaring maging dahilan na gusto nating mabago ang ating buhay ay dahil sa hindi magandang relasyon. Maaaring sa simula, ang isang relasyon ay kaaya-aya, ngunit sa katagalan, ito ay humahantong sa isang hindi magandang pangyayari. Kapag nangyari ito, maiisip natin na kailangan na talaga ng pagbabago. Ang pangatlong maaaring maging dahilan ay ang damdamin sa iyong kalooban na mayroon isang bagay na dapat baguhin sa iyong pag-uugali, o pagbabawas ng timbang o isang pisikal na katangian. Sanaysay sa Filipino.

Ang lahat ng ito ay magagandang dahilan upang baguhin ang iyong sarili o ang iyong buhay. Ngunit, may mga hadlang na maaaring makasalubong kung susubukan mong magbago. Ang pagbabago sa iyong trabaho o paghahanp ng ibang mapagkakakitaan ay maaaring maging sanhi ng problema sa pera at panggastos. Ang pagbabago sa isang relasyon ay maaaring magbunga ng sakit ng damdamin sa iyong kapareha. At kung nagbabalak magbago sa sarili, may mga hadlang din na maaaring maging dahilan upang hindi matuloy ang iyong mga balakin. Kailangan ang matinding determinasyon at kagustuhan upang mapaglabanan ang mga hadlang na makakasalubong sa iyong pagbabago. Kailangang pag-aralan ang pagiging matatag at matibay upang maipanalo ang mga plano. Sanaysay sa Filipino.

Ang mga pagbabagong nais mong matamo ay maaaring maisakatuparan, kailangan lamang ang positibong pananaw. Ang isang hakbang na maaaring gawin ay ang ilista ang mga pagbabagong gusto mong makamit. Tingnan at basahin ang mga ito sa tuwina upang maitimo sa iyong isipan ang mga pagbabagong ito. Ito ay magsisilbing paalala sa iyong sarili na ikaw ay determinadong magbago at tumahak sa isang matuwid na daan. Isang magandang ideya rin naman na humingi ng tulong at suporta sa iyong pamilya at mga kaibigan o sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan. Ang katotohanan na may mga taong nasa iyong likod upang umalalay ay isang magandang inspirasyon upang ipagpatuloy ang iyong mga plano. Maaari mo ring isulat sa isang papel ang iyong mga natapos na o mga accomplishments para magsilbing inspirasyon na ipagpatuloy din naman ang iyong mga nasimulan. Sanaysay sa Filipino.

Kapag nasimulan na ang iyong mga balakin, ihanda ang iyong sarili sa anumang mga hadlang na maaaring mangyari. Ang mga hadlang na ito, maging tao, bagay man o pangyayari ay maaaring maging dahilan ng iyong pagsuko at kalungkutan. Kailangan mong isipin lagi ang iyong kagustuhang magbago. Gagawin mong magbago kahit na ano ang mangyari. Isang magandang hakbang ang pananatili sa magandang pananaw sa buhay upang maisakatuparan ang iyong mga kagustuhan na walang natatapakan na sino man.

Sanaysay sa Filipino 2012
Pagbabago sa Iyong Buhay - Bernadette Biko

May Iba Pang Sanaysay:

Anak Ka ng Ina Mo -  Sanaysay Para sa Mga Ina
Mga Dahilan kung Bakit Nalululong sa Alak - Sanaysay Filipino Pananaliksik

0 comments:

Post a Comment

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP