Sulating Pormal
Halimbawa ng Tagalog na Sulating Pormal
Hawla ng Ibon
ni: Bernadette Biko
Bilang isang hobbyist, isang mahalagang katungkulan mo ang mabigyan ng magandang lugar ang iyong alagang ibon. Ang mga parakeets ay nagtataglay ng iba’t ibang laki at napakadaming kulungan sa ating merkado ang maaari mong bilhin upang ang iyong mga alaga ay mabuhay ng maayos at mapayapa. Ang pagpili ng kanilang tirahan, gayundin ang paglalagyan nito sa isang lokasyon na walang gaanong gambala ang siyang pinaksimpleng responsibilidad na dapat mong malaman.
Kahit nga na marami ang pagpipilian pagdating sa kulungan, mahalaga pa rin na malaman ang ilan sa mga hakbang sa pagpili nito upang maging maginhawa ang iyong alagang ibon sa kanilang pamumuhay.
Paghanap ng takdang lugar: ang unang dapat isaalang-alang ditto ay ang pagtatakda ng tamang lugar para sa iyong kulungan. Sa ganyang sitwasyon, maaari kang makapamili ng kulungan na tama at sakto para sa iyong mga alaga. Siguruhin lamang na ang lugar na ito ay malayo sa mga bintana at pinto ng iyong bahay upang hindi sila maabala sa tuwinang ang mga ito ay bubuksan. Maaari itong ilagay sa isang lugar na maaaring lapitan at tingnan ngunit hindi sa isang lugar na laging dinadaanan ng mga tao at iba pang hayop na tulad ng aso.
Ang sukat ng kulungan: Ang susunod na dapat isaalang-alang sa pagpili ng hawla ng iyong alagang ibon ay kanyang sukat. Tama lamang na ilagay ang isang maliit na ibon sa isang maliit na kulungan habang ang isang malaking ibon ay nasa isang malaking hawla. Ngunti kung ako nag iyong tatanungin, dapat din naming ilagay ang isang maliit na ibon sa may kalakihang kulungan upang makagalaw ng maayos. Sa ganitong paraan, makakakilos siya ng maayos at makalilipad din kung kinakailangan. Magkakaroon ka rin ng lugar upang mailagay pa ang iba’t ibang accessories tulad ng lagayan ng kainan at inuman.
Isa pang dapat ding isaalang-alang ay ang sukat ng pagitan ng mga rehas ng iyong bibilhing kulungan. Kung masyadong malaki ang pagitan ng kanilang rehas, ito ay maaaring magdulot ng problema. ANg mga ibon ay may kakayahang paliitin ang kanilang mga katawan at magawang maisiksik sa pagitan ng mga rehas upang makatakas.
Kung malaki ang pagitan ng mga rehas, maaari rin itong maging daan upang pumasok ang iba pang hayop tulad ng daga, ahas o maliliit na ibon na maaaring makasakit sa iyong alaga. Maaari din naman kainin ang pagkain at inumin ang tubig nito kaya nararapat lamang na pumili ng kulungan na sapat lamang upang makagalaw ng maayos ang iyong alagang ibon. Sanaysay sa Filipino.
Sikapin na bumili ng kulungan na gawa sa stainless. Bukod sa pagiging matibay, hindi mo pa ito aalalahanin na kalawangin. Ang pangunahing layunin ng isang kulungan ay ang pangalagaan ang iyong alagang ibon sa anumang panganib. Tandaan na ang pagpili ng kanilang tirahan ay makaaapekto rin sa kanilang ugali, kalusugan at buhay sa matagal na panahon.
Sanaysay sa Filipino 2012
Hawla ng Ibon – Bernadette Biko
May Iba Pang Sanaysay:
• Mabuti ang Pagre-recycle – Tagalog Essay Recycle
1 comments:
wow...shock na shock ako. ang galing naman nito ah...super.
Post a Comment