Ang Kahalagahan ng Recycle
Sample of Filipino Essay About Recycling
Ang Kahalagahan ng Recycling
ni: Bernadette Biko
Ang ating mundo ay nangangailangan ng balance upang mapanatili nito ang kaayusan ng ecosystem. Ang ecosystem na ito ang nagdidikta sa kaayusan o “pagiging balance” ng ating kapaligiran at nagiging dahilan ng balanseng pamumuhay ng lahat ng nilalang na nakatira dito sa ating planeta. Hindi lamang ang mga tao ang kasama sa usaping ito. Mahalaga ring malaman na ang mga hayop at halaman na kasama nating namumuhay dito ay nangangailangan din ng mabuting pamumuhay. Kung hindi mapananatili ang balanseng sistema nito, maaaring magdulot ito ng mga problema hindi lamang sa ating panahon kundi pati na rin sa mga panahong darating. Ayaw nating lahat na mangyari ito at magdusa ang lahat . Gusto nating magkaroon ng magandang sistema ang ating mundo upang tayong lahat na nabubuhay dito ay magkaroon ng maligaya at malinis na pamumuhay. Sanaysay sa Filipino.
Sa mga basurang itinatapon ng walang control sa araw-araw, dahan-dahan nating sinisira ang ating kapaligiran lalo na ang mundong ating ginagalawan. Ngunit may panahon pa para magbago ang ating nakasanayan. Maaari pa nating gawan ng solusyon ang lumalalang problema sa basura lalo na sa ating lugar na kinabibilangan. Sa mga products na ating binibili sa araw-araw, maaari nating simulan ang recycle upan g mapababa ang basura na likha ng mga ito. Ang mga produktong gawa sa papel halimbawa ay maaari pang irecycle upang mabawasan kahit kaunti ang basurang maaari nitong malikha sa ating mundo. Kung hindi tayo kikilos sa ngayon, baka mahuli ang lahat. Ngayon na ang panahon upang maisaayos ang problem natin sa basura at maging maayos ang ating pamumuhay pati na rin ang pamumuhay ng mga darating na henerasyon.
Ang process ng recycling ay paraan upang mabawasan kung hindi man matanggal ang problema natin sa waste disposal . Maraming paraan upang magawa natin ito at ang pinakasimpleng paraan ay magsimula na ngayon. Maaaring kaunti lamang sa atin ang nakaaalam ang mga paraan na aking binabanggit, kaya nga ako nagdesisyon na gumawa ng ganitong sulatin upang maibahagi ang aking mga natutunan sa paaralan na aking pinapasukan. Maging halimbawa sana ito upang ma-encourage ang bawat tao na gawin din ang aking nasimulan.
Ang mga tao ay gusto na maging maayos ang kanyang kapaligiran at gagawin ang lahat upang maging maganda ang lugar at community na kanyang kinabibilangan. Ngunit, marami ring tao ang hindi nakaaalam kung paano at kung ano ang maaari nilang maibahagi upang maging maayos ang kapaligiran. Hindi nila alam kung paano at saan magsisimula upang maging bahagi ng mga katagang “reuse, reduce and recycle”. Isang hakbang na maaaring gawin ng isang tao ay ang pagbisita sa isang recycling center na malapit sa kanyang lugar. Maaari silang magpadala ng mga lalagyan ng mga basura na maaari pang mai-recycle upang mabawasan ang basura sa mga landfills. Ang mga lalagyang ito na tinatawag ding recycle bins ay maaaring pagtapunan at paglagyan ng mga papel, basyo ng bote at mga plastics upang mairecycle na muli. Kung araw-araw natin itong gagawin, ihihiwalay ang mga basurang maaari pang pakinabangan, mababawasan ang problema sa basura at magiging maayos ang sistema ng ating kapaligiran.
Sanaysay sa Filipino 2012
Ang Kahagahan ng Recycle – Bernadette Biko
May Iba Pang Sanaysay:
• Mabuti ang Pagre-recycle – Tagalog Essay Recycle
0 comments:
Post a Comment